Ang One APIA Nevada ay isang katutubo, di-pangkalakal na organisasyon na nagtataguyod ng mga patakaran na nagbibigay kapangyarihan sa mga karaniwang Asyanong taga-Isla Pasipiko na mamamayan ng Nevada. Ang Nevada ay tahanan para sa isang lumalaking komunidad ng APIA, na kumakatawan sa isa sa sampung botante. Ang aming komunidad ng APIA ay may kapangyarihang maging boses ng pagbabago sa estadong ito.
Ang aming misyon ay ang iugma ang gawaing elektoral ng APIA ng mga lokal at pambansang organisasyon sa estado, direktang pakikipag-ugnayan sa mga botante, at kumalap at mag-endorso ng mga kandidato na humihirang at nag-aangat ng mga boses ng komunidad ng APIA.
Nakatuon kami sa imigrasyon, edukasyon, pangangalagang pangkalusugan at mga patakaran sa puwersa ng manggagawa na nagtataguyod ng dignidad at sariling pagpupursige ng mga komunidad ng nagtatrabahong Asyanong taga-Isla Pasipiko.
Imigrasyon:
Sa halos 600,000 na imigrante sa Nevada, kailangan natin ng mga inihalal na opisyal na kumakatawan sa ating mga halaga; nagtataguyod para sa ating komunidad; at sumusuporta sa mga patakarang muling bubuo ng ating mga pamilya, upang ilagay ang ating mga kapitbahay sa isang daang patungo sa pagkamamamayan, at upang mapalakas ang ating ekonomiya, na umaasa sa mga napakahalagang kontribusyon at walang tigil na paggawa ng mga imigrante. Ang H-1B at iba pang mga visa sa trabaho ay may katuturan para sa puwersang manggagawa ng Nevada at para sa ating mga pamilya. Itong Nobyembre, suportahan ang mga pinuno na sumusuporta sa ating mga komunidad.
Edukasyon:
Ang matatatag na paaralan at ang kakayahang makapag-aral ng mas mataas na edukasyon ay dapat maging isang karapatan, hindi isang pribilehiyo, para sa mga Asyanong Amerikano sa Nevada. Sa pagitan ng 2005 at 2016, tumaas ang matrikula sa mahigit sa 80% sa buong estado. Hindi namin kayang patuloy na tambanak ng utang ang mga nakatapos sa amin kamakailan. Sa Nobyembre na ito, kailangan nating pumili ng mga lider na mamumuhunan sa ating mga pampublikong paaralan, lalaban sa tumataas na matrikula, at magsisiguro na ang kolehiyo ay isang opsyon para sa lahat na gustong dumalo.
Pangangalaga sa kalusugan:
Ang Nevada ay isa sa pinakamababa sa bansa pagdating sa pangmatagalang pangangalaga para sa mga 65 at mas matanda. Mahigit sa 300,000 ng lahat ng taga-Nevada ay matatanda at 25% sa mga ito ay mga beteranong militar. May mas karapat-dapat para sa mga Asyanong Amerikano sa Nevada. Sa taglagas na ito, mahalaga na maghalal tayo ng mga pinuno na nakatuon sa pagbibigay ng abot-kaya at makakamtang pag-aalaga sa kalusugan ng ating komunidad ng matatanda at mga magtatrabaho upang isara ang $ 56 milyon na depisit ng Medicaid na hindi naaangkop na inaapektuhan ang ating mga nakatatanda, isa sa ating mga pinakamahihirap na populasyon.
Puwersa ng Manggagawa:
Ang mga pagkakataon upang umunlad ay nagsisimula sa isang inklusibong ekonomiya. Sa pagitan ng 2002-2007, ang maliliit na negosyo na pag-aari ng mga Asyanong Amerikano sa Nevada ay nadagdagan ng 98%. Gayunpaman, hindi pa nababawi ng mga Asyanong Amerikano ang kita na nawala noong Great Recession at desproporsyonadong nararanasan ang hindi pagkakapantay-pantay ng kita, kung saan ang kita ng pinakamayayamang Asyanong Amerikano ay kumikita ng 10.7 beses ng kita ng pinakamahihirap na Asyanong Amerikano. Hindi natin mababalewala ang ilan sa ating mga nagtatrabahong pamilya. Itong Nobyembre, kailangan natin ng mga pinunong lilikha at poprotekta sa mga de-kalidad na trabaho at isang lambat ng kaligtasan para sa lahat ng mga Asyanong taga-Isla Pasipikong Amerikanong manggagawa.